Pink Tumblr Themes

Ang Thesis.

Nakaka’stressed. Nakakabobo. Nakakatuyo ng utak. Grabeee, hirap man kami, puro man kami reklamo, kailangan pa rin namin tapusin ang dalawang thesis na binigay samin. Masaya maging Masscom, mahirap lang talaga kapag alam mo sa sarili mo na pagod ka na, gugustuhin mo na lang ang umiyak. -.- Dahil sa thesis na to, nagawa ko na na umiyak, kasi yung feeling ko na gustung-gusto ko mag-isip ng mga ilalagay, wala naman akong magawa. Parang ayaw na kumilos ng katawan ko para sa thesis na to kasi alam nya na pagod na at wala ng magagawa pa. So binigyan ko muli ang sarili ko para mag’relax, di ko muna inisip. At ngayon, eto na naman kaming muli, mga 1D, muling gagawin ang thesis na nasimulan. Achievement talagang masasabi kapag nakapasa kaming lahat at nakapasok kami ng 2nd yr. ng walang bagsak. Siguro mahirap to para samin dahil mga first timer pa lang kami. Pero dahil nga sadyang positive thinker ang tao at sadyang masikap upang malampasan ang pagsubok, alam naming kaya namin tong pagtyagaan dahil sa huli, KAMI PA RIN ANG MAKIKINABANG. :) 





1/1