Mas okay na yung lumayo ako kaysa pumayag akong makipag’kaibigan sayo.
Nagsimula sa crush. Hanggang sa nagpakilala. Naging mag’textmate. Nagkakulitan. Ayun, nagka’inlove’an. Ü Ako naman, nagpaligaw, at dahil babae ako. Nagpakipot. :D Hanggang sa napasagot. First boyfriend ko po si Dada na napakilala ko sa parents ko. At first girlfriend din nya ko na napakilala nya sa family nya. At dahil nga po sa may itsura ang lalaking ito, maraming nagalit sakin nung nag’in a relationship kami sa Fb. XD Gusto ko lang po i’share yung love story namin. Huwaw. Love story talaga? Haha. :D
Una talaga, MU lang kami. Hanggang sa niligawan na nya ko. Tapos syempre sikreto nung una. Tapos naglakas ng loob na mag in a relationsip sa FB hanggang sa nahuli ako. Haha. Ako, mga classmates ko, di namin inexpect na halos mag’stick kami ni Dada ng halos isang taon. Kasi nga di daw kami compatible. Ako, madaling magsawa. Siya, na playboy. Hanggang sa iyun, di sila makapaniwala na kaya pala namin. Nandito si tatay nung pinakilala ko siya dito samin. Lakas nga ng loob ng loko we. Haha. Akala ko nga kasi nagjojoke leng na pupunta dito sa bahay, yown pala totoo! Haha. Ayun, masaya, tapos syempre dahil nga sa college na, naging busy, hanggang sa nawalan ng time. After 4months. Nagdecide muna ko na tama na muna. Hinayaan ko siya na mag’flirt. Haha. Ayuuun, After 2months medyo nagkamiss’an, nagparamdaman. Na’blog ko na din yung dahilan kung bakit nag’commit kami ulet nung sembreak. Ayoko ng i’blog ulet kasi masyadong mapapahaba. Hahaha. Ayown, syempre dahil nga college, medyo nawawalan na ulet ng communication hanggang sa nag’decide na ulet ako. Kaso sa break up na to. Nangialam na yung mama niya. Ayaw ng mama nya na maghiwalay kami, ayusin daw muna namin at intindihin ko daw muna siya dahil medyo busy nga daw. Ayun, naging ok naman. Tapos edi ok na nga, lagi na ulet kami nagkikita, nagsasabay umuwi, pumupunta siya sa bahay. Ayown, nag’christmas nga po ako sa kanila. Oooops. At dahil nga lalaki siya, di naman maiiwasan na matukso ng ibang bagay, o ng ibang babae. Haha. At dahil nga busy ako dahil Masscomm ako, di ko siya nabigyan ng time. Edi wala na ulet, medyo masakit at nakakasawa na yung para kaming tangang di maka’move-on sa isa’t isa. Ayun, akala ko po okay na ko. Na kapag nagparamdam na sya, wala na kong paki. KAso, mali pala ko dun. MAs gugustuhin ko pa rin pala na bumalik sya sakin kesa makita ko na may iba na sya. Oha! Haha. Naging memorabble ang Valentines day. Kaso pagkatapos nun, wala na. At nasabi ko na sa sarili ko na AYOKO na talaga. Nagpalit ako ng sim. Unfriend sa dalawa kong Fb. Nagpagupit na din. At sana maging effective tong mga to.
Yung taong dahilan ng pag ngiti ko. Yung taong dahilan kung bakit ako nagiging matapang. Yung taong nagpapalakas ng loob ko. Yung taong dahilan kung bakit ako naiinspired. Yung taong dahilan kung bakit ak nagmamahal, ay yung taong pilit kong kinakalimutan ngayon. Ayaw niyang lumayo ako, pero kaso pag hindi ako lumayo, wala kaming matutunang dalawa. Di namin makikilala yung ibang tao at pareho lang kaming masasaktan, lalo na ako. Mahirap magsimula ulit, mahirap makahanap ng isang taong kayang humarap sa magulang mo. Pero mas mahirap mag’stick sa isang relasyon na alam mong walang patutunguhan at paikot-ikot na lang ang relasyon nyo sa break-up, away, bati. Mahal ko po si Dada. Pero mas mahal ko pa rin ang sarili ko. Mas gugustuhin ko pong lumayo kaysa makipag kaibigan sa taong mahal ko. First year college pa lang po ako. Mas kailangan kong i’priority pag-aaral ko. :) Goodbye 10. :)
(Source: )
COMMENTS